Nội dung text Sa Tapat ng Tindahan ni Mang Teban-2nd prize-Maikling Kuwentong Pambata.doc
1 SA TAPAT NG TINDAHAN NI MANG TEBAN - 2 nd prize – Maikling Kuwentong Pambata 2011 Sikat ang bayan ng San Honorico dahil sa tindahan ni Mang Teban. Sa tapat ng tindahan ni Mang Teban kasi laging makikita ang tambay na si Lamberto Ang at ang bantay ng tindahan na si Nardita Carpio na nagtatalo kung kaninong lolo ang mas magaling. Sa pagtagal, kung hindi madadaan sa kuwento ang pasikatan, kailangang ipakita sa gawa. Sa mga paligsahan ng lakas, bilis, at taas ng talon, bibigyang wakas nina Berto at Dita ang kanilang pagtatalo.
2 SA TAPAT NG TINDAHAN NI MANG TEBAN Sa tabi ng simbahan ng Santa Dolores sa bayan ng San Basilio, matatagpuan ang lawa ng Ligos. Lampas ng lawa ng Ligos, matapos matawid ang limang bundok, tatlong burol, at pitong palayan, ay matatagpuan na ang bayan ng San Honorico. Sikat ang bayan ng San Honorico. Mahusay magpaputi ng damit ang mga labandero’t labandera doon. Masarap at masagana ang ani ng bigas ng mga magsasaka. Pero ang pangunahing dahilan sa kasikatan ng San Honorico ay ang tindahan ni Mang Teban. Sa tapat ng tindahan ni Mang Teban kasi laging makikita ang tambay na si Lamberto Ang at ang bantay ng tindahan na si Nardita Carpio. Sa unang tingin, mukhang karaniwan sina Berto at Dita. Madungis si Berto at hindi nag-aahit. Makikita siyang nakaupo sa bangko sa tapat ng tindahan, nagkakamot ng tiyan at nagkukutkot ng kuko sa paa. Si Dita naman, habang nagbabantay ng tindahan, ay suklay nang suklay hanggang maging nakakasilaw sa kintab ang kanyang buhok. Pero hindi ang itsura nila ang dinadayo ng mga tao kundi ang kanilang pagtatalo. Araw-araw nagtatalo sina Berto at Dita kung kaninong lolo ang mas magaling. “Kaya ako nagbabantay ng tindahan,” wika ni Dita, “ay dahil madudurog lang ang araro sa kamay ko. Ganyan kasi kalakas ang lolo ko.” “Kaya hindi ako naliligo,” wika ni Berto, “dahil noong maligo ang lolo ko, namatay ang buong ilog sa dumi niya.” At mauuwi ang pagtatalo kung ano ang mas nakakatakot: ang makasira ng araro gamit ang kamay, o makapatay ng isang ilog sa pamamagitan ng pagligo.
4 Bilang sagot sa hamon ni Dita, pumulot si Berto ng isang napakalaking bato. Nakapatong sa bato ang limang kambing at tatlong kalabaw. Natulala ang mga bata at ang mga magsasaka sa kanilang nakita. Hindi pala basta- bastang pagmamayabang ang ginagawa ni Berto! Nagpalakpakan ang mga manonood. Bago maibaba ni Berto ang bato, binuhat siya ni Dita. Lumakas ang palakpakan. Hindi rin pala puro kuwento si Dita! Narinig ng mga labandero’t labandera ang ingay. Lumabas sila sa bahay para makinood sa paligsahan. Tumakbo si Berto sa paa ng bundok at sinimulan itong itulak. Hindi ito umusad. Malakas na tumawa si Dita, at nakisabay ang mga taumbayan. Namula si Berto. “E ikaw, kaya mo ba?” Tinulak ni Dita ang paa ng bundok. Hindi rin umusad. Si Dita naman ang namula habang tumatatawa sina Berto at ang mga taumbayan. “Kung pabilisan na lang tayo?” Tinawag ng mga taumbayan ang kanilang alkalde para pangasiwaan ang karera nina Berto at Dita. Nilinaw ng alkalde sa dalawa ang daan na kanilang tatakbuhin. Mula sa tindahan ni Mang Teban, tatakbuhin nina Dita at Berto ang layo ng pitong palayan, tatlong burol, at limang bundok, lalanguyin ang kahabaan ng lawa hanggang marating ang simbahan ng Santa Dolores sa bayan ng San Basilio. Pagkatapos marating ang ganoong