PDF Google Drive Downloader v1.1


Báo lỗi sự cố

Nội dung text Atang sa Kaluluwa nina Apong Salawal at Apong Saya - 2nd prize.pdf

Pahina 1 ng 5 Atang sa Kaluluwa nina Apong Salawal at Apong Saya abik ang magkapatid na Mahu at Kalip sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre. Pagkakataon kasi ito para matikman nila ang iba’t ibang kakaning ihinahanda tuwing sumasapit ang Araw ng mga Patay. Kaya naman hindi sila nagmimintis sa pangangaluluwa. Ito ang taunan nilang pagbabahay-bahay kasama ng iba pang mga bata upang iparinig ang awit ng mga yumao tuwing bisperas ng Undas. Maaga pa lang ay sinimulan na nilang buksan ang baul na ipinamana ng kanilang Apong Salawal at Apong Saya. Sa tulong ng kanilang mga magulang ay maingat nila itong inilabas sa sala. Agad na pinunas ng magkapatid ang alikabok hanggang sa kumintab ang antigong kahoy. Banayad ang pagbati ng samyo ng nakulob na mga liham, kuwaderno, at ilang piraso ng larawan habang marahan nilang binubuksan ang baul. Minasdan ni Kalip ang mga liham. “Ang gaganda ng sulat-kamay nila!” mangha niyang sabi habang maingat na sinasalansan ang mga nakatuping pahina ng pag-ibig. “Hindi tulad ng sa ating parang kinalahig ng mga sisiw!” pag-ayon ni Mahu. “Tama ka, Kuya,” sagot ni Kalip. “Pareho nga pala tayong mahirap basahin ang sulat.” “Kayo talaga,” natatawang sabi ng kanilang ina. Napahagikgik ang magkapatid pati na rin ang kanilang ama. “Tingnan ninyo ito, mga anak,” nakangiting sabi ng kanilang tatay. “Ang inyong Apong Salawal habang gumagawa ng palitaw sa latik.” 
Atang sa Kaluluwa nina Apong Salawal at Apong Saya Pahina 2 ng 6 Kulay kalawang na ang litrato pero malinaw pa rin ang itsura ng kanilang lolo. Bagaman pawisan dahil sa init ng kalan, nakangiti pa rin siya at nakaalsa ang dibdib tulad ng palitaw na nakasalang. “Magkamukha pala kayo, Kuya Mahu!” sabi ni Kalip. “At magkasingsipag magluto,” pagmamalaki ng kanilang tatay. “Naku, mukhang masarap ang palitaw sa latik, Kuya,” natatakam na sabi ni Kalip. Dagling binuklat ni Mahu ang kuwaderno ng kaniyang lolo at hinanap ang proseso ng pagluluto ng nasabing kakanin. “Mayroon dito sa notbuk ni Apong Salawal!” sabi niya. “Sige, palitaw ang pag-aaralan kong iluto ngayong Undas.” Biglang natawa ang kanilang mga magulang. Napalunok kasi ang magkapatid habang sabay na inaalala ang lasa ng latik at malapot na arnibal sa mga pilas ng giniling na malagkit. “Kalip, tingnan mo ‘to. Pareho kayo ng ngiti ni Apong Saya,” sabi ni Mahu sabay turo sa litrato ng lola nilang nakabungisngis na nagpapatakbo ng karitela. “Marami po bang sumasakay sa karitela ni Apong Saya?” tanong ni Kalip. “Oo naman, anak,” siguradong sagot ng kanilang nanay. “Noong una raw ay nag- aalinlangan ang mga tao dahil siya lang ang babaeng nagpapatakbo ng kabayo rito sa atin. Pero nang masubukan nila ang tulin at ingat ng Apong ninyo, halos lahat ay gustong sa kaniya na magpahatid.” “Talagang sa kaniya po pala ako nagmana,” bilib na sabi ni Kalip. “Kung mahusay magpatakbo ng karitela si Apong Saya, ako naman ay magaling sa pagbibisikleta!”
Atang sa Kaluluwa nina Apong Salawal at Apong Saya Pahina 3 ng 6 “Kaya siya ang gawin mong modelo, anak,” payo ng kanilang tatay. “Tamang tulin lang at laging puno ng pag-iingat.” “Oo nga,” segunda ni Mahu. “Para hindi ka umuuwing puno ng gasgas.” Malulutong na tawanan ang maririnig sa buong bahay habang inisa-isa ng mag-anak ang mga alaalang laman ng baul. Nakahahawa rin kasi ang mga ngiting nakaplasta sa mga larawan nina Apong Salawal at Apong Saya. Ang magkapatid ang pumili ng litratong ilalagay sa altar. Bahagi iyon ng tradisyon nilang ipagdasal ang kaluluwa ng mga kaanak na pumanaw na. Pinaniniwalaan kasing nabubuksan ang pintong naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at patay kapag sumasapit ang Todos los Santos. Kaya naman daw nakababalik sa lupa ang kaluluwa ng mga yumao tuwing Araw ng mga Patay. Ngayong taon, napili nina Mahu at Kalip ang larawang si Apong Salawal ang nakaupong pasahero sa karitelang si Apong Saya ang nagmamaneho. Walang hindi nakakikilala sa lolo at lola ng magkapatid. Naiiba raw kasi ang kanilang mga gawi sa nakasanayan ng kanilang baryo. Sa halip na babae ay lalaki ang naiiwan sa mga gawaing bahay. Samantalang ang nakasaya naman ang gumagampan sa mga gawaing kadalasang panlalaki tulad ng paghahanapbuhay. “Sa damit na nga lang daw makikilala kung sino ang lalaki at babae sa kanila,” kuwento ng kanilang ina. “At dahil mahalaga para sa mga kababaryo natin ang kaibahang iyon, binansagang Apong Salawal ang inyong lolo at Apong Saya naman ang inyong lola.” Tulad ng kanilang mga Apong, kilala rin ang magkapatid na Mahu at Kalip. Magkabaliktad din daw kasi ang kanilang mga hilig at katangian. Ang batang si Mahu, ang gusto ay laging magluto. Samantalang si Kalip, paghahalaman at pagbibisikleta ang
Atang sa Kaluluwa nina Apong Salawal at Apong Saya Pahina 4 ng 6 kinahihiligan. Baliktad din daw pati ang mga kilos nila. Mahinhin at laging nasa bahay lang si Mahu. Si Kalip ang maya’t mayang lumalabas sa lansangan para magkipaglaro ng habulan, tatsing, at tumbang-preso. Dahil doo’y kinagigiliwan ang magkapatid. Ayon nga sa kanilang mga kababaryo, silang dalawa ang mga buhay na alaala ng yumao nilang mga Apong. “Nakita ko na!” galak na sabi ng kanilang tatay habang binubuklat ang kuwadernong talaan ng iba’t ibang awiting bayan na tinipon ng kanilang lolo at lola. “Ayan, makakapili na tayo ng kanta para sa pangangaluluwa mamaya,” sabik na hiyaw nina Mahu at Kalip. Hindi nahirapang pumili ang dalawa. At bagaman nasintunado sila noong una, mabilis pa rin nilang natutuhan ang tamang tono sa tulong ng kanilang mga magulang. “Kaluluwa’y dumaratal Sa tapat ng durungawan, Kampanilya’y tinatangtang Ginigising ang maybahay. “Kung kami po’y pabibigyan Dali-dali n’yo pong buksan, Baka kami’y mapagsar’han Ng pinto ng kalangitan.” “Mag-iingat kayo ha?” bilin ng kanilang nanay at tatay. “Opo!” masayang sabi ng magkapatid na palukso-lukso pang lumabas sa kanilang tarangkahan. Sinundo nina Mahu at Kalip ang mga kaibigan nilang makakasama sa

Tài liệu liên quan

x
Báo cáo lỗi download
Nội dung báo cáo



Chất lượng file Download bị lỗi:
Họ tên:
Email:
Bình luận
Trong quá trình tải gặp lỗi, sự cố,.. hoặc có thắc mắc gì vui lòng để lại bình luận dưới đây. Xin cảm ơn.