PDF Google Drive Downloader v1.1


Báo lỗi sự cố

Nội dung text Parada ng mga Alingawngaw - 3rd prize.docx

PARADA NG MGA ALINGAWNGAW Ang Buod Kuwento ng adjustment sa pisikal na pagkabulag ang paksa ng "Parada ng mga Alingawngaw. Isinasalaysay rito kung paano unti-unting pinakikibagayan ni Susan ang bago niyang kundisyon. At sa gabay ng kaniyang Apung Apin, lalo pang naunawaan ni Susan ang bagong dimensiyon ng paglikha gamit ang iba't ibang tunog sa kaniyang paligid. Ang kapangyarihang ito ng kaniyang imahinasyon, ayon sa kaniyang lolo, ang magsisilbi niyang sandata upang mahusay na mapakitunguhan ang mundong nilisan ng paningin.
PARADA NG MGA ALINGAWNGAW Hiiiiiiiinnnggggg! Napabalikwas si Susan sa kama dahil sa matinis na huni ng takure. Hiiiiiiiiiiiiiiinnnggggg! Gusto pa sana niyang umidlip pero naalala niyang ito ang kaniyang espesyal na araw. Hiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnggggg! Unti-unti niyang naamoy ang iba't ibang halimuyak ng kaniyang kaarawan na nagmumula sa ibabang palapag ng kanilang bahay. Sinubukan niyang isa-isahin ang mga ito. Ang una ay ang manamis-namis na bango ng pinakukuluang tsokolate ng kaniyang ina. Ang isa nama'y ang maalat-alat na amoy ng paborito niyang daing na bangus. Sinundan ito ng nakangingiwing asim ng sawsawang suka na nilagyan ng bawang at paminta. Mayroon pang pinandanang kanin! Muling nilanghap ni Susan ang mga amoy. Halos ganito rin nang magsiyam siya noong nakaraang taon. Ano kaya ang regalo nila sa akin ngayon? tanong niya sa sarili. Naging libangan na ni Susan ang pagtunghay sa mga nangyayari sa ibabang bahagi ng kanilang tahanan tuwing umaga. Lumilipad na tila maliliit na eroplanong gawa sa ingay patungo sa kaniyang silid ang kalansing ng mga kubyertos na gamit ng kaniyang nanay sa pagluluto. Gayundin ang kalatong ng mga traktrakang lata ng nakababata niyang kapatid na si Biboy. Para namang mga munting saranggolang 1 ng7
nagpapataasan ng lipad ang iba't ibang amoy. Minsan tuloy ay naiisip niyang lupa ang ibabang palapag habang langit naman ang kaniyang kuwarto, at siya ang anghel na nakatira dito. Marahan ang pagdampi ng malamig na hanging galing sa bintana. Inaanod nito ang masasayang halakhakan ng mga batang naglalaro sa labas. Agawan-beys o patintero? panghuhula niya sa posibleng laro ng mga bata. Klank! Klank! Klank! "A, tumbang-preso!" nakangiti niyang sabi matapos marinig ang pagtilapon ng latang tinamaan ng hinagis na tsinelas. Naalala niya ang iba pang mga paligsahan sa lansangan: habulan, pagtatampisaw sa ulan, at taguan kapag bilog ang buwan. Napayakap ni Susan ang kaniyang unan. Dahan-dahan niyang binakas ang pinong burda ng kaniyang pangalan sa punda nito. Ilang sandali lang ay narinig ni Susan ang papaakyat na yabag ng kaniyang Apung Apin. Sinabayan ito ng pag-ptok! ptak! ptok! ng tungkod ng kaniyang lolo sa mga baitang na kahoy. Mayamaya lang ay pumasok na ang matapang na amoy ng pomada sa kuwarto. Bilib na bilib si Susan kay Apung Apin. Hindi na ito makakita dahil sa malubhang katarata pero nakakagala pa rin. Hindi nito kailangan ng alalay sa tuwing may gustong gawin. Gumagamit lamang ito ng tungkod na marahang ipinangangatok sa sahig at sa mga bagay sa paligid. Ang tagutok daw nito ang kaniyang gabay upang huwag mabunggo o kaya'y matalisod. 2 ng 7

Tài liệu liên quan

x
Báo cáo lỗi download
Nội dung báo cáo



Chất lượng file Download bị lỗi:
Họ tên:
Email:
Bình luận
Trong quá trình tải gặp lỗi, sự cố,.. hoặc có thắc mắc gì vui lòng để lại bình luận dưới đây. Xin cảm ơn.