PDF Google Drive Downloader v1.1


Báo lỗi sự cố

Nội dung text Holy-Week-Devotional-Filipino-Main-File.pdf


PLACE OF GRACE Isang Debosyonal para sa Semana Santa mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay Marso 24–31, 2024
© 2024 ng Victory. Reserbado ang lahat ng karapatang pagmamay-ari. Mga naging bahagi sa pagbuo ng babasahin: Pastor Alfred Baltazar, Pastor Che de Sagun, Dr. Jun Escosar, Pastor Kyle Eusebio, Pastor Edgar Gorre, Pastor Ritchie Llanto, Christian Luna, Pastor Brandel Manalastas, Pastor Joash Paunil, Madel Vanguardia Isinalin mula sa lathalaing Ingles ng Victory. May pahintulot ang lahat ng mga lokal na iglesya na ipakopya ang lathalaing ito para sa kanilang paggamit. Hindi ito ipinagbibili. Ang talata ng Kasulatan, maliban na lamang kung binanggit, ay mula sa Ang Salita ng Diyos® (ASND®) Copyright © 2015 ng Biblica Inc. Reserbado ang lahat ng karapatang pagmamay-ari. victory.org.ph
Mga Nilalaman Panimula ........................................................................................................................... v UNANG ARAW: Ang Matagumpay na Pagpasok ..........................................................................1 IKALAWANG ARAW: Ang Paglilinis ng Templo .........................................................................................6 IKATLONG ARAW: Ang Pagtatanong ng mga Relihiyosong Lider kay Jesus ..................10 IKAAPAT NA ARAW: Ang Pagtataksil ...........................................................................................................14 IKALIMANG ARAW: Ang Huling Hapunan................................................................................................19 IKAANIM NA ARAW: Ang Pagkamatay ni Cristo................................................................................... 23 IKAPITONG ARAW: Ang Paglibing kay Cristo ......................................................................................28 IKAWALONG ARAW: Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo...................................................................33
Panimula Ano ang mga ginagawa mo tuwing panahon ng Semana Santa? Panahon ba ito para sa pag-iisip, pagpaplano, at pananalangin? Isa ba itong bakasyong inilalaan mo sa tabing dagat o sa pagpunta sa ibang lugar? O dinadaanan mo lang ba ito na parang isang ordinaryong linggo? Anuman ang mga pananaw o saloobin na mayroon ka tungkol sa Semana Santa, ang debosyonal na ito ay nakadisenyo para makapagbigay ng kaalaman at mga pagkakataon para sa pag-iisip at pagsasapamuhay ayon sa mga nangyari noong panahon ng kamatayan, paglibing, at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Nang hindi nakatuon sa pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari o pagtatangkang daanan ang lahat ng mga ito, ilalahad ng debosyonal na ito ang mga pangunahing kaganapan mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay, pati na rin ang ilang pananaw ng mga taong nakaranas nito. Ilan sa mga taong nakasama ni Jesus ng mga panahong iyon ay relihiyoso; marami ang laban sa Kanya; karamihan ay mga nanonood lang sa tabi-tabi. Kaunti lamang ang tapat sa Kanya. Tulad din ngayon, ang Semana Santa ay nakakapaghatid ng samu’t-saring saloobin at pananaw sa kung paano ito dapat gunitain. Ang iba ay ipinagdiriwang ang tagumpay ni Cristo; ang karamihan naman ay ginagamit ang bakasyon na ito kasama ang mga kapamilya’t kaibigan para magpahinga at magbakasyon. Ang iba naman ay nagiging mas relihiyoso at pinag-iisipan ang mga araw na ito nang higit sa karaniwan. Kahit anong pananaw pa man ang pinanggagalingan mo at kahit saan mo man mahanap ang iyong sarili sa pagbabasa mo ng debosyonal na ito, gagaan ang ating pakiramdam sa

Tài liệu liên quan

x
Báo cáo lỗi download
Nội dung báo cáo



Chất lượng file Download bị lỗi:
Họ tên:
Email:
Bình luận
Trong quá trình tải gặp lỗi, sự cố,.. hoặc có thắc mắc gì vui lòng để lại bình luận dưới đây. Xin cảm ơn.