PDF Google Drive Downloader v1.1


Báo lỗi sự cố

Nội dung text Ang Tatlong Bubwit at ang Bangkang Marikit-Maikling Kuwentong Pambata-1st prize.docx

1 Ang Tatlong Bubwit at ang Bangkang Marikit - 2012 CPMA - First Prize May tatlong bubwit na gumising nang maagang-maagang-maaga. Wala pang araw sa aplaya. “Hhahhhh,” hikab ang panganay. “Heeehhh,” inat ang pangalawa. “baahh,” pungas ng bunso. Kay dilim-dilim. Kay lamig-lamig. Kay rikit-rikit ng mga bitwin sa langit. Ihahatid nila ang kanilang bangkang magarang-magarang-magara. Mayroon itong dalawang kamagong na sagwan. Mayroon itong kawayang mataas na may bughaw na bughaw na layag. At higit sa lahat, mayroon itong tigatlong mahabang itim na sungot sa magkabilang pisngi. “Magarang bangka, gusto kong sumama, ako naman ang pinakamalaki sa aming tatlo,” sabi ng panganay na bubwit. “Ako rin gusto kong sumama, katamtaman na ang laki ko,” sabat ng ikalawa. “Ako rin gusto kong sumama, dahil ako’y maliit,” singit ng bunso. “Sa ngayo’y hindi pa maaari,” sabi ng magarang-magarang-magarang bangka, “pero kapag mahaba na ang inyong mga sungot pangako, kayo’y aking isasama. Kailangan mo ng sungot para madali mong makita ang daang pauwi.” Kaya’t lumayag ang bangka nang nag-iisa, kaway sa kanan, kaway sa kaliwa ang ginawa ng mga bubwit na naiwan sa aplaya.
2 Sa gabi, muling nagbalik ang mga bubwit sa aplaya. Sila’y tuwang-tuwa dahil natatanaw nila ang bughaw na bughaw na layag na may na nakapatong na malaking bagay. Tinanglawan ng bilog na buwan ang kay laking pasalubong ng bangkang magarang-magarang-magara na may bughaw na bughaw na layag, may itim na itim na kamagong na sagwan at may anim na malilikot na sungot sa harapan. May dala- dalang malaking-malaking kesong puti na sampung beses ang laki sa kanilang bangka. “Hayan,“ sabi ng bangkang magarang-magarang-magara, “hindi na kayo magugutom kailanman!” Nginata ng panganay na bubwit ang tuktok ng keso, kinagat ng ikalawang bubwit ang tagiliran ng keso at sinipsip ng bunsong bubwit ang ilalim ng keso. Nakangiti ang buwan habang tinatanaw ang tatlong bubwit na nakasakay sa kanilang bangka pabalik sa kanilang tahanan sa aplaya. Nasa tuktok ng layag ang panganay, nakaupo sa sagwan ang ikalawang bubwit at tumutulay-tulay sa mga sungot ng bangkang magara ang bunsong bubwit. Nakatulog sila sa kanilang magarang-magarang-magarang bangka. Kinaumagahan, may tatlong bubwit na gumising nang maagang-maaga upang ihatid ang kanilang bangka sa aplaya. Kay dilim-dilim. Kay lamig-lamig. Kay liwanag ng buwan sa langit.
3 “Aba, naryan ka pala bulan,” bati ng ngumangatang panganay na bubwit. “Oo nga, ipipinta kita mamaya,” sabi ng tumatangong pangalawang bubwit. “Bantayan mo ang aming bangka ha?” paalala ng bunsong bubwit. Lumayag ang bangka nang nag-iisa, kandirit sa kanan, kandirit sa kaliwa ang ginawa ng mga bubwit na tumatanaw sa aplaya. Sa gabi, muling nagbalik ang mga bubwit sa aplaya. Sila’y tuwang-tuwa dahil natatanaw nila ang bughaw na bughaw na layag ng kanilang bangka. Inilabas ng bangka ang bahay na pagkagara-gara! May apat na silid, may walong bintana, may malaking sala at may malaking kusina. Kumpleto na rin ang mga kama, upuan, mesa, tokador, kaldero, kutsara, tinidor, sangkalan at pinggan. “Hayan, “ sabi ng bangkang magarang-magarang-magara, “mapapalitan na ang butas-butas nating lungga, hindi na kayo mababasa!” Nakangiti ang buwan habang sila’y tinatanaw. Walang bubwit na natulog sa kani-kanilang silid. Nakatulog sa tuktok ng layag na bughaw na bughaw ang panganay. Nakatulog sa sagwang itim na itim ang ikalawang bubwit at ang bunso’y sa sungot naghilik. Kinaumagahan, may tatlong bubwit na gumising nang maagang-maaga. Ihahatid nila ang kanilang bangkang magarang-magara. Kay rikit-rikit ng mga bitwin sa langit. Kay bilog-bilog ng buwan sa kalangitan.
4 “Magarang bangka, gusto naming sumama!” sabay-sabay na sabi ng tatlong bubwit. “Sa ngayo’y hindi pa maaari, sabi ng Bangka, “pero kapag mahabang-mahaba na ang inyong mga sungot pangako, kayo’y aking isasama. Hintayin na lamang ninyo ang pagdami ng bituin sa langit, at ako ay muling magbabalik.” Sa gayo’y nagkasya na lamang sa pagkutkot ng kanilang baong keso ang tatlong bubwit habang tinatanaw ang kanilang magarang-magarang bangka. At tama nga, nang muling dumami ang maririkit na bituin sa langit, natanaw na nila ang pagdating ng kanilang magarang bangka! Marami na naman itong pasalubong—may mga t-shirt, short, at palda, papel na kulay bughaw, puti, dilaw, lapis na pula, kahel, luntian, may gunting, may pandikit, aklat, sinulid, karayom, at bubblegum. Sumakay sa kanilang bangka ang tatlong bubwit. Nginangata ng panganay na bubwit ang bubblegum, gumupit-gupit ng mga bulaklak ang ikalawa at idinikit-dikit sa mga papel na pula at itim. Binuklat-buklat ng bunsong bubwit ang aklat na mabigat habang tangan ang karayom at sinulid. Hanggang sila’y makatulog sa pagngata, paggupit, at pagbasa. Kinaumagahan, may tatlong bubwit na gumising nang maagang-maaga. Pero hindi sila maghahatid ng kanilang bangka sa aplaya dahil papasok na sila sa eskuwela.

Tài liệu liên quan

x
Báo cáo lỗi download
Nội dung báo cáo



Chất lượng file Download bị lỗi:
Họ tên:
Email:
Bình luận
Trong quá trình tải gặp lỗi, sự cố,.. hoặc có thắc mắc gì vui lòng để lại bình luận dưới đây. Xin cảm ơn.