PDF Google Drive Downloader v1.1


Báo lỗi sự cố

Nội dung text Tula-Tanghod-at-iba-pang-paghihintay.pdf

1 Tanghod at iba pang paghihintay Pagsasa-isda OFW Napagkamalan Bisita Pag-ako Tandang pananong Binyag Unang pagluwal Salitang binitiwan Alzheimer’s
2 Pagsasa-isda Dahil ano nga bang uring ina ang hindi marunong sumugba sa alon, kaya’t hinamak mo ang lahat ng pagsuong. Darating ka sa baybayin nang may pakay, maliban sa pagbibilad: tapyasin ang biyas upang umunat ang mga palikpik. Hanggang sa ang balat ay mangaliskis, magsa-pilak. Hanggang ang gulugod ay usbungan ng mga tinik, magsa-aligi. Ikaw ay lulusong, hubad sa lahat ng alabok. Maingat na dadaplisan ang mukha ng tubig—ang talas ng palikpik ay iguguhit sa kababawan ng ligayang halumigmig. Pagkatapos, dikit-palad: sisisirin ang lalim ng pananalig. Ngunit alam naming magbabalik ka. Hindi upang isalaysay kung paanong sa kalawakan ng dagat ay naragdaan ang iyong kalayaan. Ng mga kuwentong hinango sa mga kabibeng ang dila ay umurong sa alat. Kathang hinabi ng mga manlalambat: Walang guhit ng kapalaran sa buhanging palad. Bagkus, nagbabalik ang mga lumusong dahil pakimkim ang hasang ng kanilang pagsasa-isda. Narito sa lamesa, pinagsasaluhan: kumikibot at pinagbubukalan ng aming hininga.
3 OFW Sa pag-uwi mo’y alalahaning ang pintuan ay hinihila, hindi tinutulak. Sinasabing humakbang ka pabalik para makaraan. O makiraan, kung ito ang iyong pasya. Pakitang-tao lamang ang kawalan ng kandado sa agaradera. Sa loob, ang mga pinggan sa banggera ay nangakataob, walang kibo. Habang ang mga larawang naka-kuwadro ay nangakabaligtad sa tagilirang lamesita. Huwag nang silipin ang aparador: ang mga kamiseta ay nakadapa, pasubsob na isinuksok, pamilyar lamang sa amoy ng sariling hininga. Nalumlon sa paghihintay sa iyong pagdating. O maaaring isa lamang pagbisita, kung susuriin. Kung gayon, walang tangka ng pagharap ang iyong mga naiwan. Pakiramdaman mo: iihip ang malamyang hangin sa iyong paa. Nakayuko ang bintilador, may paggalang ngunit walang lambing. Roon sa silid, madaratnan mo si bunso sa dunggot ng higaan: hindi kikislot, ipagsigawan mo man ang kanyang pangalan. At sa ganitong pagtangging lumingon ay maiintindihan mo kung bakit ang ipinapadala niyang mga liham ay walang titik, at ang nakalakip

Tài liệu liên quan

x
Báo cáo lỗi download
Nội dung báo cáo



Chất lượng file Download bị lỗi:
Họ tên:
Email:
Bình luận
Trong quá trình tải gặp lỗi, sự cố,.. hoặc có thắc mắc gì vui lòng để lại bình luận dưới đây. Xin cảm ơn.