PDF Google Drive Downloader v1.1


Báo lỗi sự cố

Nội dung text Ang Paglalakbay ni Pipoy Piso-1st prize.docx

Page 1 of 11 Ang Paglalakbay ni Pipoy Piso Buod ng Maikling Kwetong Pambata Si Pipoy Piso ay isang bagong limbag na barya mula sa Banko Sentral ng Pilipinas. Ipapakita sa kwento ang kanyang paglalakbay sa kamay ng iba’t ibang tao. Magsisimula ang kanyang paglalakbay bilang isang sukli sa isang restawran, hanggang sa maging “tip” sa isang waitress. Mawawala siya sa pagmamay-ari ng dalaga dahil malalaglag siya mula sa bag at mapupunta sa putikan. Lilipas ang ilang oras na walang pumapansin sa kanya, dahilan upang kwestiyonin ni Pipoy Piso ang kanyang halaga. Siya ay mapupulot ng isang batang pulubi. Babalaking gamitin ng bata si Pipoy Piso bilang pambili ng tinapay, ngunit hindi ito pagbibilhan sa panaderya dahil kulang ang kanyang pera. Sa paglalakad ng bata ay may makikita siyang matandang babae na kailangan ng dagdag na piso upang makabili ng gamot. Ibibigay ng bata si Pipoy Piso sa matanda. Isang magandang babae ang magbibigay ng pambayad ng gamot ng matanda kapalit ni Pipoy Piso. Hahanapin ng babae ang pulubing kanina ay may-ari kay Pipoy Piso. Bilang wala siyang anak at natuwa sa nakita niyang ginawa ng bata, aalukin ng babae ang bata na mabuhay kasama niya. Ibabalik ng babae si Pipoy Piso sa bata at sasabihing kakaiba ang pisong iyon, at dapat niyang alagaan.
Page 2 of 11 Ang Paglalakbay ni Pipoy Piso Nagising si Pipoy Piso sa ingay ng kanyang mga katabi. Kumakalansing sa tuwa ang kapwa nya piso, mga limang piso at sampung piso. Sila ay mga bagong limbag na barya galing sa Banko Sentral ng Pilipinas.  "Simula na ng ating paglalakbay!" hiyaw nila. Nasabik si Pipoy Piso. Ano nga kaya ang kahihinatnan nilang lahat? Sino-sinong mga tao kaya ang gagamit sa kanila? Anong buhay kaya ang mababago nila? Iyon ang pangarap ni Pipoy Piso: ang makita ang mundo at maramdaman ang pagpapahalaga ng tao. Bumukas ang lalagyan ng barya at inilipat silang lahat sa isang bagong kaha. Pinagmasdang mabuti ni Pipoy Piso ang kanyang paligid. Nasa isang mamahaling restawran sila! Maliwanag ang ilaw at mabango ang amoy ng nilulutoing pagkain. Nasabik si Pipoy Piso. Nang mailipat sila ng husto ay nakita ni Pipoy Piso ang ibang mga lumang barya, at ang mga perang de papel. "Magandang umaga!" bati nya sa mga kapwa pera. Ngunit walang bumati sa kanya.Ang mga perang papel ay umismid lamang nang nginitian nya, habang ang mga lumang barya naman ay hindi sya pinapansin.
Page 3 of 11 "Bata, walang papansin sayo dito.” Isang lumang limang piso ang nagsalita. “Ang mga perang papel ay masyadong mayayabang pagkat alam nila na mas malaki ang halaga nila kaysa sa atin. Ang ibang barya naman ay sawa na sa ganitong buhay kaya't wala na silang sigla." "Bakit ho? Dapat ho tayong maging masaya dahil tayo ay maglalakbay sa palad ng iba't ibang tao! Magagawa natin ang tungkuling inilaan para sa atin!" ani Pipoy Piso. "Hmp! Malalaman mo rin ang sinasabi ko!" Masungit na sagot ng limang piso. Tumalikod na ito. Maya-maya lamang ay binuksan ng isang kahera ang kaha. Kumuha siya ng ilang perang papel, pagkatapos ay kumuha rin ng ilang barya. Kasama sa mapalad na  nakuha ay si Pipoy Piso.Nasabik si Pipoy Piso. Ito na ang simula ng aking paglalakbay, isip nya. Dinala ng isang weyter ang sukli sa lamesa ng isang mayamang pamilya. Kinuha ng matandang lalake ang perang de papel at pagkatapos ay hindi na pinansin ang mga barya. Hindi nawalan ng pag-asa si Pipoy. Pinilit niyang pinakinang pa ang sarili upang pansinin siya.Ngunit kahit anong kinang ni Pipoy Piso, binalewala pa rin siya nito. Hanggang sa umalis na ang pamilya. Naiwan si Pipoy Piso kasama ng ilang barya. "Sabi ko sa'yo ay ‘wag ka nang umasa!" masungit na saad ng limang pisong kasama pala niya. Malungkot na hindi umimik si Pipoy. Dumating muli ang tagasilbi, inimis ang lamesa at dinala ang pera sa lalagyan ng tip. Ilang oras ang lumipas na nasa loob lang ng kahon ng tip si Pipoy,
Page 4 of 11 tahimik sa isang sulok. Gabi na nang buksan ang lalagyan. Marami na ang nadagdag simula nang mapasama si Pipoy Piso. Isa sa mga kahera ang nagbilang ng pera at hinati-hati ito para sa lahat ng tauhan sa restawran. Napapunta si Pipoy Piso sa isang dalagang nagte-treyning sa eksklusibong kainan na iyon. Basta na lamang inilagay ng dalaga ang pera sa kanyang bag at umalis na ito para umuwi.Napahalo si Pipoy Piso sa iba pang pera at kagamitan ng dalaga. Dumukot sa kanyang bag ang dalaga upang magbayad sa taksing kanyang sinakyan. Nabuhayan ng loob si Pipoy. Maaaring maibayad na ako at mapunta sa ibang lugar, isip niya. Ngunit kahit nahawakan na siya ng babae ay hindi siya kinuha, bagkus ay kinuha nito ang mga buong pera. Kinabukasan, dinalang muli ng babaeang kanyang bag. Buong araw na iyon, sa tuwing siya ay magbabayad, nadadagdagan ang mga kasamang barya ni Pipoy Piso.Hindi pa rin pinapansin ng babae ang mga barya.  “Ganyan talaga siya,” sabi ng isang lumang sampung pisong barya kay Pipoy Piso nang magtanong siya. “Magtatagal pa tayo dito ng mahabang panahon dahil hindi niya ginagamit ang mga perang maliliit ang halaga na tulad natin.” Hindi umimik si Pipoy. Sa madilim na lugar na iyon na ba magtatapos ang kanyang paglalakbay? Wala ba siyang kakayahang bumago ng buhay ng isang tao?

Tài liệu liên quan

x
Báo cáo lỗi download
Nội dung báo cáo



Chất lượng file Download bị lỗi:
Họ tên:
Email:
Bình luận
Trong quá trình tải gặp lỗi, sự cố,.. hoặc có thắc mắc gì vui lòng để lại bình luận dưới đây. Xin cảm ơn.