Content text 10 - Aralin 1.pdf
62 Sa araling ito, inaasahan naming mga mag-aaral na maisa-isa ang mga paraan kung paano mapananatiling maayos at malinis ang tahanan; mailista ang mga gamit na kailangan sa paglilinis ng bahay at kapaligiran; masabi ang kahalagahan ng kalinisan at kaayusan; maibukod ang mga basurang nabubulok sa di-nabubulok; at magamit ang mga lumang bagay upang makabuo ng bagong kagamitan na maaaring pakinabangan. Aralin 1 Talagang Kaya Namin! Simulan Mga Hangarin Masarap manirahan sa isang malinis at maayos na bahay at kapaligiran. Magandang pagmasdan ang mga kagamitang nasa tamang lugar. Kung mapananatili nating maayos ang mga kasangkapan, magiging maaliwalas ang kabahayan. Sa ganitong paraan, magagamit natin nang wasto ang bawat sulok o bahagi nito. Makakikilos tayo nang malaya.