PDF Google Drive Downloader v1.1


Report a problem

Content text OUR LADY OF IMELDA-1st prize.pdf



3!ng!25 Marami rin daw buwaya sa ilog ngunit nang magsimula na ang debosyon sa Mahal na Inâ ay bigla na lamang naglahong parang bula ang mga buwaya sa ilog. Sinasabing ang ingay na nililikha tuwing Sakay (ang prusisyon sa Ilog Naga) ang tuluyang nagpaalis sa mga buwaya sa dating nilang teritoryo. I. September 16, 1972: Ang Signos ng Colgante sa Naga Sa pag-aakda ng kasaysayan ng debosyon sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia may isang trahedyang muling naganap sa ilog. Ngunit walang mga buhay na asong umuwi ng araw na iyon, o mga alay na kinain ng buwaya. Itinatala bilang isang “mahalagang pangyayari” ang trahedya sa Colgante noong Setyembre 16, 1972, kung saan humigit sa isang daang tao ang nasawi, nalunod at nakuryente, nang biglaan na lamang bumagsak ang nasabing tulay sa mismong okasyon ng Sakay. Wala pang Basilica Minore noon, kaya ang sentro ng aksyon ay ang simbahan sa Francia, ang orihinal na sityo ng debosyon. Nagsimula ito bilang isang kapilya na ipinatayo para sa mga cimarrones o ang mga remontados “taong bundok”, na sa kabila ng pagiging mga binyagan ay hindi rin naman nakumbinsi ng mga Kastila na manahan sa kanilang itinakdang sentro. Sa unang bahagi ng ika-18 siglo, ganap na naisakatuparan ng mga prayle ang ilang mahahalagang muhon sa kanilang ebanghelisasyon at isa na rito ang ganap na pagpapanatili ng mga cimarrones sa iisang lugar at ito ang sityo sa Francia, kung saan magsisimula ang debosyong huhulma sa identidad ng mga Katolikong Bikolnon. Sa tala ng simbahan, ang mga cimarrones ang humingi ng kanilang patrona na agad naman na pinabigyan ng simbahan sa pamamagitan ng isang peninsulares na pari na may malalim ng panata sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia sa Espanya. Unang ipinalaganap ng nasabing pari ang debosyon sa Peñafrancia sa Paco, Manila hanggang sa

Related document

x
Report download errors
Report content



Download file quality is faulty:
Full name:
Email:
Comment
If you encounter an error, problem, .. or have any questions during the download process, please leave a comment below. Thank you.