Content text 07 - Aralin 4.pdf
37 Ano sa Iyong Palagay? Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungkol sa bata sa tula. 1. Ano-ano ang mga talento ng bata? 2. Paano siya maglaro ng basketbol? 3. Anong uri ng larawan ang paborito niyang ipinta? 4. Paano ipinakikita ng madla ang paghanga sa kaniya? 5. Ano ang mapapala ng bata kapag pinagbuti niya ang kaniyang ginagawa? Basahin ang tula. Sa larong basketbol ako’y hahangaan n’yo Bilis ng pagkilos, nalinang sa ensayo, Bolang tumatalbog agad naibubuslo Kahit sino ang humarang, nakalulusot ako. Magaling din ako sa larangan ng pagguhit Paboritong ipinta, tanawing kaakit-akit, Kapag natapos na, halinang lumapit Sa paghanga ng marami, pagod ko ay sulit. Maging sa pag-awit, at indak sa pagsayaw Talaga namang kilos ko’y humahataw, Sa tunog ng tambol , sige ang paggalaw Palakpakan ng madla’y di-magkamayaw. Paghusayan ang gawa — yan ang dapat Galing ay ipamalas sa kanilang lahat, Huwag mahihiya, kumilos nang tapat. Tiwala sa sarili, sa aki’y magpapasikat.
38 Ang tiwala sa sarili ay paniniwala at pagtitiwala sa sariling kakayahan. Kasama na rito ang respeto at mataas na pagtingin sa sariling pagkatao. Mahalagang malinang ang pagmamahal sa sarili. Maga- gawa ito kapag tinanggap mo nang buong puso ang mga papuring sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyo. Maging masaya ka sa pagkakaroon ng kahanga-hangang talento. Matuto kang ibahagi ito sa iba. Kapag nakaranas ka ng matinding pagsubok o suliranin, buong tapang mong sabihin, “kaya ko ito.” Tibayan mo ang iyong loob. Malalampasan mo ang anomang pagsubok gaano man ito kahirap. Huwag mong sasabihing, “Ako ay talunan.” Kung ikaw ay mahiyain, makisali ka sa kuwentuhan o tala- kayan. Makisama ka sa mga taong nagpapasaya sa iyo. Humanap ka ng mabubuting kaibigan. Sila ang tutulong upang iyong matamo ang respeto at tiwala sa sarili. Tingnan ang mga larawan. Pahalagahan “Tinutulungan ng Maykapal ang mga taong nagsisikap para sa kanilang sarili.” “Ang taong may lubos na paniniwala sa sarili ay nagtatamo ng paghanga at tiwala ng kapuwa.”