Content text Si Bajo Handa na sa Baha_QCpdf.pdf
Sinulat ni: FERDINAND B. GARCIA Guhit ni: EMMANUEL LOUIS G. FRIAS
Si Bajo Handa Na sa Baha Maikling Kuwento sa Science Para sa Pangatlong Baitang Kasanayan sa Pagkatoto S3ES – IV-g-h-5 Enumerate and practice safety and precautionary measure in dealing with different types of weather Writer: FERDINAND B. GARCIA Illustrator: EMMANUEL LOUIS G. FRIAS Learning Resource Manager: Dr. Heidee F. Ferrer Quezon City NCR
Si Bajo Handa Na sa Baha
“ Hawak sa lubid! Kapit! ”sigaw ni Bajo sa mga kasama. Takot na takot na ang lahat, maging si Bajo, dahil kapag may isang bumitaw ay mapapahamak sila. Tagaktak na rin sa pawis ang katawan ng bawat isa. “Hindi ko kaya,” tugon ni Poy. “Kapit!” sigaw ni Lindo . “Tiwala sa sarili at sa kasama, kaya dapat huwag matakot. Kung nagkakaisa anumang pagsubok ay ating makakaya,” tugon ni Bajo. “Tama! Isa...dalawa... tatlo... hila!” bigkas ng tatlo. Hindi nila namalayang nakabitaw na sa lubid ang bawat isa.