Content text Kabisaan ng Modyular na Pamamaraan ng Pag-aaral ng Tulang Filipino ng mga Mag-aaral sa Ika-sampung Baitang ng Mataas na Paaralan ng Southville Taong Panuruan 2020-2021.pdf
Pamantasan ng Cabuyao Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 1 KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay kundi sa marami pang bagay. Ang kaalamang natututuhan natin sa paaralan ang nagbubukas at nagmumulat sa ating kaisipan tungkol sa mga bagay bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at nagbibigay sa atin ng pagkatuto. Edukasyon din ang nagdadala sa atin sa mga lugar kung saan tayo nararapat na magbanat ng buto. Edukasyon din ang magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating mga karapatan at ang kaakibat nat mga pananagutan. Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng oportunidad. Maraming pagbabago ang nangyayari sa larangan ng edukasyon maging ang mga pamamaraan at estratehiya ng pagtuturo na nagsisilbing malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya at agham. Maaari nating sabihin na napakalaki ng epekto sa kalidad ng edukasyon ang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa isang paaralan. Madami 14 mang ibang salik ang maaaring maging hadlang para sa matagumpay na pagkatuto ng bata ay lubos pa ring mas nakakaapekto ang paraan kung paano nailahad o ilalahad ng kanyang guro ang mga leksyon sa kanya ayon sa napiling estilo nito. Ang modyul ay isang kagamitan sa pagtuturo-pagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili at naglalahad ng mga tiyak na takdang gawain sa isang kaparaanang sistimatiko. Ito ay naglalayong ang estudyante ay mag-aaral sa kanyang sarili nang walang aklat at walang pamamatnubay ng guro. Kaya't ang modyul ay maaaring gawin sa tahanan o saanman sa labas ng paaralan. May mga
Pamantasan ng Cabuyao Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 2 modyul na hindi maaaring maipasok na lahat ang mga gawaing kinakailangan, kaya may mga panutong ibinibigay tulad ng pagsasadya sa aklatan at iba pang pook bilang pag papayamang- gawain sa aralin o pakikipanayam sa ganoon at ganitong tao. Kapag may mga ganitong panuto, tiyakin lamang na ang mga ito ay matatagpuan sa sariling pamayanan ng mag-aaral upang maiwasan ang anumang suliranin. Sa patuloy na pagkalat ng pandemyang COVID-19 sa buong mundo, napilitan ang pamahalaan ng Pilipinas, sa pangunguna ng Anti-Agency Task Force, na magpatupad ng mga 28 alituntuning naglalayong matuldukan ang paglaganap ng virus. Kabilang dito ang pagbabawal sa face-to-face na klase sa lahat ng antas ng pag-aaral sa buong bansa, maliban na lamang kung ito ay online o distance learning. Ayon kay Secretary Leonor Magtolis Briones sa kanyang ulat sa ating Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF), "We have been doing distance learning, blended learning for decades and decades [already]. The University of the Philippines does and specializes in distance education for the longest time and those who take up education and study education are already exposed to this". Nagsimula lamang gumamit ng ibang uri ng pagkatuto ang buong paaralan sa Pilipinas noong nagkaroon ng malawakang pandemya sa ating bansa. Napwersa ang mga nakakataas na ito ay gawin dahil iniisip pa rin nila ang pag-aaral ng nakararami. Sa makabagong edukasyon sa Pilipinas ay naghanda ang kagawaran ng edukasyon at mga kaguruan ng mga materyales na gagamitin ng kanilang mga estudyante sa bagong taong panuruan. Nagsimula ang bagong taon ng pag-aaral at hinaharap natin ngayon ang realidad ng distance learning sa buong bansa. Bagong pag-unawa at marami pang katanungan ang batid ng
Pamantasan ng Cabuyao Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 3 bawat araw. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, patuloy na nagsusumikap ang mga guro para 42 mabigyan ng sapat na kaalaman ang kanilang mga mahal na mag-aaral. Mula sa nabasang artikulo sa ABS CBN News (May 27, 2020) ipinaliwanag ni Education Undersecreatary Doisdado San Jose Antonio na magpapatupad ang kanilang kagawaran ng iba't ibang paraan para maihatid sa mga estudyante ang kanilang aralin sa darating na pasukan. Ang pagbubukas ng paaralan ay hindi nangangahulugang tradisyunal na pag-aaral ng harapan sa silid-aralan, kaya naghanda ang DepEd ng Learning Delivery Modalities (LDM) para sa taong 2020-2021. Isa sa mga Learning Delivery Modalities na idinisenyo ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang Distance Learning, kung saan hindi pisikal na magkaharap ang guro at mag- aaral. Sa ilalim nito, maaring matuto ang mga bata sa pamamagitan ng Modular Distance Learning (MDL) kung saan ang mga mag-aaral ay bibigyan ng kumpletong sets of Self-Learning Materials (SLM) o printed modules. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng naiimprentang modyul na kanilang pag-aaralan sa loob ng kanilang tahanan na naglalaman ng iba't ibang gawain sa pagkatuto. Isa ito sa alternatibong learning modality, Ang Modular Distance Leaming ay nagtatampok ng individualized instructions o pang-isahang panuto na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na 56 gumamit ng Self-Learning Module (SLM) na nakaprint o digital na porma/elektronikong kopya, alinman ang naaangkop sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Maaari ring gumamit ng iba pang mapagkukunan sa pag-aaral tulad ng mga Kagamitan ng Mag-aaral. mga aklat-aralin, sheet ng aktibidad, gabay sa pag-aaral at iba pang mga materyales sa pag-aaral. Ayon kay Geiser at Santelices (2007), ang akademikong performans ng mga mag-aaral ay naaapektuhan ng ilang mga mga salik, tulad ng puntong pagpasok, kalagayan pang-ekonomiya at kaligirang pampaaralan. Sa
Pamantasan ng Cabuyao Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 4 kabila ng mga pagsubok at sa mga hamon na tatahakin, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nangangakong magkakaroon ng balance sa pagitan ng ng pagbibigay ng kalidad ng edukasyon sa bawat isa. Ang mga nasabing printed modules ay ihahanda ng mga guro at ibibigay sa mga mag- aaral isang beses sa isang linggo. Magtatalaga ang pamunuan ng paaralan ng lugar na pagkukuhaan at oras ng pagkuha ng mga modyul. Tungkulin ng guro ang pagsubaybay sa pag-usad ng mga mag- aaral. Gayundin, ang mga mag-aaral ay maaaring humiling ng tulong. mula sa guro sa pmamagitan ng email, telepono, text message at iba pa. Ang mga magulang o sinumang miyembro ng pamilya, ay maaaring magsilbing gabay sa mga mag-aaral sa bahay. 70 Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda ang panitikan ay ‘’ bungang isip na isinatitik’’. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon, ngayon at bukas ng isang bansa. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon, ngayon, at bukas ng isang bansa. Ito rin ay pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa masining at makahulugang mga pahayag. Ang tula ay isang anyo ng panitikan o sining na naglalayong magpahayag ng saloobin o mensahe. Ito ay isang obra na kinapapalooban ng damdamin ng sinumang manunulat nito. Maaring ito’y patungkol sa pag-ibig, sa kalungkutan sa buhay, bayan at iba pa. Maaari ring magsalaysay o magkuwento ang tula, ito ay higit na maanyo kaysa iba pang anyo ng panitikan. Ayon pa kay Alejandro at Pineda “Ang tula ay isang pagbabagong hugis ng buhay. lsang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga sukat at tugma’’. Noong 1983, para